INIHAHANDA na ang bulwagan sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa kauna-unahang pagtitipon ng Filipino communities and associations sa bansa.
Nakatakdang magsalo-salo ang nasa isang libong mga OFW para sa isang masayang Paskong Pinoy sa Malaysia.
Gaganapin ito sa Premiera Hotel Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, naglalakihang mga papremyo at mga regalo ang naghihintay para sa mga makabagong bayani ang inaasahan.
Magtatagisan din ang mga Pinoy worker sa pagsasayaw, pagkanta at mayroon ding palaro na handog para sa kanila.
Abangan sa SMNI ang full coverage ng masayang Pasko para sa mga overseas Filipino sa Malaysia.