PANGUNGUNAHAN ngayong araw ng Office of the Civil Defense (OCD) ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Gaganapin ito alas-9 ng umaga sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Nakapaloob dito ang communication exercises para suriin ang kapasidad ng mga apektadong LGUs sa kanilang communication protocols at pinalakas na coordination mechanisms tuwing magkakaroon ng malakas na lindol sa bansa.
Nauna nang pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng pagtama ng magnitude 7.2 earthquake dahil sa inaasahang paggalaw ng West Valley Fault.