ILANG tulog na lang at sa Nobyembre 29 at 30, 2024 na ang kauna-unahang two-day solo concert ni Pinoy singer-songwriter Maki.
Gaganapin ito sa New Frontier Theater.
Sa magiging concert ay makakasama ng singer ang kapwa Pinoy artists gaya nina Johnoy Danao, Ebe Dancel ng Sugarfree, Angela Ken, Cesca, Sitti, at Nameless Kids.
Sikat si Maki sa kaniyang kantang ‘Saan?’ at ‘Dilaw’.
Kasama rin si Maki sa ilang Pinoy artists na kinilala sa naging 10th anniversary celebration ng digital music service na Spotify Ph noong Oktubre.