NAPAGDESISYUNANG ipagpaliban muna ang kauna-unahan sanang Summer Metro Manila Film Festival dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa social media, inanunsyo ng MMFF organizers ang pag-postpone ng naturang filmfest para sa kaligtasan ng lahat.
Ang hakbang ay alinsunod na rin sa pag-sailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila sa community quarantine mula bukas, Marso 15 hanggang Abril 14.
Wala namang ibinigay na petsa kung kailan itutuloy ang pagpapalabas ng 8 official entries ng festival sa mga sinehan.
Nakatakda sanang isagawa ang kauna-unahang summer edition ng MMFF sa April 11 hanggang 12.