Kautusan ukol sa pagtatatag ng isang IATF para suportahan ang SBP, inilabas

Kautusan ukol sa pagtatatag ng isang IATF para suportahan ang SBP, inilabas

INIATAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagtatatag ng isang Inter-Agency Task Force (IATF) para suportahan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa preparasyon ng FIBA Basketball World Cup 2023 na gagawin sa bansa.

Ito ay base sa nakasaad sa Administrative Order No. 05 na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang at pinirmahan nitong Marso 27.

Kasama sa nilalaman ng naturang kautusan ang pagtulong ng mga ahensiya at paghikayat sa mga local government unit (LGU), non-government organizations (NGOs) pribadong sektor, maging ng state universities and colleges (SUCs) para sa pag-oorganisa ng nasabing patimpalak.

Pamumunuan naman ng Philippine Sports Commission (PSC) chairperson ang naturang task force.

Kabilang sa magiging miyembro nito ang mga kinatawan mula sa:

Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter