Kawhi Leonard, hindi na muna maglalaro para sa LA Clippers ngayong NBA Preseason

Kawhi Leonard, hindi na muna maglalaro para sa LA Clippers ngayong NBA Preseason

HINDI na muna maglalaro si Kawhi Leonard para sa LA Clippers sa buong NBA Preseason.

Maging sa Season Opener sa Oktubre 23 ay hindi rin masasabi ng koponan kung makakapaglaro na ito.

Dahilan nito ay ang pamamaga ng kaniyang kanang tuhod.

Sa panig ni LA Clippers coach Ty Lue, nais lang nila na lubos na maka-recover si Leonard at suportado kung anuman ang makabubuti para sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble