Kayla Sanchez, tututukan ang paghahanda para sa 19th Asian Games sa China

Kayla Sanchez, tututukan ang paghahanda para sa 19th Asian Games sa China

TUTUTUKAN ni Kayla Sanchez ang paghahanda para sa 19th Asian Games sa China.

Hindi na rin sasali si Kayla Sanchez sa World Championships na isasagawa sa Fukuoka, Japan sa susunod na linggo.

Aantayin niya na lang ang full confirmation ng World Aquatics hinggil sa kaniyang pag-atras sa event.

Sinabi ng Fil-Canadian swimmer, mas tututukan niya ang kaniyang paghahanda para sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong Setyembre.

Samantala, noong 2020 Tokyo Olympics, nirepresenta ni Sanchez ang Canada kung saan nakakuha ito ng silver medal kasama ang kaniyang team mates sa 4×100 meter freestyle relay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter