SINABI ng Talk ‘N Text veteran na si Kelly Williams na bagaman maayos na ang pakiramdam nito mulla sa natamo nitong calf injury sa quarterfinals ng 2023 PBA Governors’ Cup ay hindi nito minamadali ang kaniyang pagbabalik sa loob ng court.
Matatandaan na nagtamo si William ng injury sa kanang paa nito sa huling pitong minuto ng quarterfinal match ng tropang Giga laban sa Phoenix Super LPG noong nakaraang Marso.
Paliwanag ni Williams, nais niyang makapaglaro sa Game 2 ngunit sa ngayon ay prayoridad niya ang kaniyang tuluyang paggaling at kasalukuyan siyang kumokonsulta sa team doctor at physical therapist.
Dagdag pa ng beterano, kung dati siya nakaranas ng injury at talagang magbabalik siya sa loob ng court kahit na hindi pa handa ang kaniyang katawan ngunit ngayon ay mas pinili niyang maging matalino at pakiramdaman ang kaniyang katawan.