SA announcement ng Ovation Productions sa Twitter, magaganap ang Asia tour fan meeting ni Japanese actor Kentaro Sakaguchi sa bansa ngayong Mayo 17, 2025, at 6 p.m. sa SM Skydome.
Una nitong tinahak ang modelling career noong 2010 at nag-debut as actor sa ilalim ng Tristone Entertainment noong 2024.
Unang sumikat si Sakaguchi sa isang theatrical role sa “Heroine Disqualified,” “My Love Story,” “The 100th Love with You,” at marami pang iba.
Naka-schedule din ang pagbisita ng Japanese star sa iba pang Asian countries kasama ang Bangkok, Thailand, Hong Kong, Kuala Lumpur, at Seoul, Korea.
Hindi pa inilabas ang official price ng tickets pero magsisimula naman ang presale ng tickets ngayong Abril 13, 12nn via Wish Us Luck, habang sa Mayo 2, 2025 naman ang general sale via SM Tickets’ website and outlets.
Follow SMNI News on Rumble