Kerwin Espinosa, bumaliktad ng testimonya pabor kay De Lima

Kerwin Espinosa, bumaliktad ng testimonya pabor kay De Lima

BUMALIKTAD ng testimonya pabor kay Senator Leila de Lima ang self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa batay sa kaniyang isinumiteng affidavit sa Department of Justice (DOJ) ngayong hapon.

Ayon kay Espinosa, kanya nang binawi ang lahat ng kanyang mga isinalaysay sa mga pagdinig sa Senado.

Giit ni Espinosa na ang kanyang mga nakaraang sworn affidavits laban kay De Lima ay hindi totoo.

Dagdag ni Espinosa, wala siyang pakikipag-ugnayan sa senadora at wala rin itong ibinigay na pera kay De Lima.

Aniya, ang kanyang mga nakaraang salaysay laban kay De Lima ay hindi totoo at resulta lang ng ‘pressure, coercion, intimidation, at serious threats’ sa kanyang buhay at miyembro ng pamilya.

Follow SMNI News on Twitter