KAAGAD nagsagawa ng pagtugis ang mga kapulisan sa mga rebeldeng grupo na NPA matapos na mamatay ang dalawang sibilyan dahil sa pagsabog ng kanilang itinanim na landmine sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City.
Binawiin ng buhay ang varsity player ng Far eastern University na si Keith Balandra Absalon, 21 taong gulang at tiyuhin nito na si Nolven Absalon na empleyado ng Masbate Electric Cooperative matapos itong masabugan ng improvised explosive device (IED) ng mga rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA).
Ayon pa sa paunang imbestigasyon, pagkatapos na masabugan ng landmine ang sikat na varsity player, pinaputukan pa ito ng malapitan ng mga NPA gamit ang kanilang mga assault rifles.
Sugatan naman ang isang 16 na taong gulang kasama nito.
Kaya dahil sa insidente ay kaagad nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad.
Nitong Lunes ay ka engkwentro ng mga tauhan ng PNP ang miyembro ng CPP-NPA na pingungunahan ni Eddie Rosera alyas “Ka Star” at Jesmar Noel Flores alyas “Ka Jesmar” sa Barangay Mapiña, Masbate City bandang alas 11:30 ng umaga.
Tumagal ng sampung minuto ang nasabing engkwentro.
Wala namang naiulat na nasawi sa magkabilang panig.
Pagkatapos ng bakbakan ay nakuha ng mga awtoridad ang walong pirasong 8mm round bar na ginagamit bilang bomb enhancement, isang improvised blasting machine, 70 meters na firing wire at iba’t-ibang cartridge cases ng 5.56mm at 7.62mm at mga personal na gamitan.
Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng mga kapulisan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Samantala ayon naman kay NTF-ELCAC Undersecretary Lorraine Badoy na sinasadya ng mga rebeldeng NPA na puntiryahin ang mga sibilyan upang maghasik ng lagim at takot sa publiko.