KUMPIRMADONG lilipat si Kevin Durant mula sa Phoenix Suns patungong Houston Rockets matapos ang isang malaking trade na kinabibilangan ng walong manlalaro at draft picks, ayon sa ulat na kinumpirma mismo ng two-time NBA champion nitong Linggo.
Kapalit ni Durant na mapupunta sa Suns sina Jalen Green, Dillon Brooks, ang 10th pick sa 2025 NBA Draft, at limang future second-round picks, kabilang na ang ika-limampu’t siyam (59) na pick ngayong taon.
Bagama’t hindi pa pinal ang transaksyon, masaya na si Durant sa kanyang bagong koponan.
Makakasama niya sa Houston sina Alperen Sengun, Fred VanVleet, at coach Ime Udoka, na dati na rin niyang nakatrabaho sa Brooklyn at sa US Olympic Team.
Nagsimula si Durant sa NBA bilang No. 2 overall pick noong 2007 para sa Seattle SuperSonics (na ngayo’y Oklahoma City Thunder). Nakakuha siya ng MVP noong 2014 at nanalo ng dalawang kampeonato kasama ang Golden State Warriors noong 2017 at 2018.
Matapos ang injury at hindi matagumpay na stint sa Brooklyn Nets at Phoenix Suns, bagong simula ito para sa isa sa mga pinakamagagaling sa kasaysayan ng NBA.