Kevin Knox, may 1-year deal sa Warriors ngayong season

Kevin Knox, may 1-year deal sa Warriors ngayong season

PUMASOK sa isang one-year deal sa Golden State Warriors ang free agent na si Kevin Knox.

Sa nakaraang NBA season ay naglaro si Knox para sa Detroit Pistons at may average na 7.2 points at 2.4 rebounds ito.

Maliban sa Pistons ay naglaro din ang basketbolista para sa New York Knicks noong 2018 subalit inilipat siya sa Atlanta Hawks sa kalagitnaan ng 2021-22 season.

Sa kabilang banda, sa nagpapatuloy na 49th season ng PBA Governors’ Cup, ngayong Setyembre 26 ay abangan ang laban ng Meralco Bolts vs. Brgy. Ginebra San Miguel at San Miguel Beermen vs Converge Fiberxers.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble