Key leaders ng KOJC, nagsasagawa ng simultaneous prayer rally sa Pilipinas at ibang mga bansa bilang suporta kay Pastor ACQ

Key leaders ng KOJC, nagsasagawa ng simultaneous prayer rally sa Pilipinas at ibang mga bansa bilang suporta kay Pastor ACQ

DITO sa National Capital Region (NCR), umaga pa lang nitong Lunes ay nakahanda na ang venue na pagdadausan ng Kapangyarihan at Kalayaan Ibalik sa Taong-Bayan (KAKISAB) Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Nilalayon ng nasabing prayer rally na magbigay ng suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ang rally ay pinangunahan ng key leaders ng KOJC.

Kasama rin sa nakikiisa ang ilang personalidad na sina Atty. Harry Roque, Dr. Lorraine Badoy, Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Atty. Ferdie Topacio, Jay Sonza, at iba pa.

Dumalo rin sa prayer rally sa Maynila ang grupo ng Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders (MIPCEL) at grupong Yakap ng Magulang.

Alas sais ng gabi, ay isasagawa ang ‘candlelight ceremony’ bilang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa.

Magbibigay naman ng kaniyang mensahe si Pastor Apollo sa pamamagitan ng isang video message.

Samantala, ito ang mga sumusunod na lugar na nakikiisa sa prayer rally bilang suporta kay Pastor Apollo:

NCR:

Caloocan City

Quezon City

Marikina City

Las Piñas

at iba pang lungsod.

Kasama rin ang Bulacan at Cavite.

Nakikilahok din ang ilang key leaders sa iba pang parte ng Luzon gaya ng Pangasinan, Ilocos Sur, Isabela, Tuguegarao, Cagayan Valley, La Union, Pampanga, Mt. Province, Benguet, Tarlac, Nueva Ecija, Batangas, Albay.

Sa parteng Visayas naman ang:

Cebu, Tacloban, Leyte, Bohol, Bacolod, Iloilo, Roxas City, Aklan, at Palawan.

Sa Mindanao:

Bukidnon, Cagayan de Oro, Butuan, Koronadal, Kidapawan, Cotabato, GenSan, Tangub City.

Sa Davao area:

East Davao, North Davao, South Davao, West Davao, Davao de Oro, at Central Davao.

Kabilang din sa nakikiisang KOJC leaders ang mga nakabase sa ibang bansa gaya ng:

– Malaysia

– Kuching, Malaysia

– Hong Kong

– Japan

– South Korea

– Dubai

– Israel

– Turkey

– Morocco

– United Kingdom

– Italy

– Barcelona, Spain

– Madrid, Spain

– Greece

– Costa Rica

– Honduras

– São Paulo, Brazil

– Brasília, Brazil

– Minas Gerais, Brazil

– Vancouver, Canada

– Manitoba, Canada

– Toronto, Canada

– Hawaii

Follow SMNI NEWS on Twitter