Kiefer Ravena, balik-pinas habang offseason ng B.League

Kiefer Ravena, balik-pinas habang offseason ng B.League

PANSAMANTALANG bumalik sa Pilipinas para sa isang pagsasanay kasama ang NLEX Road Warriors ang B.League player na si Kiefer Ravena.

Matapos magkaroon ng offseason ang Japan B.League, nagkaroon ng pagkakataon na makauwi si Ravena sa Pilipinas.

Dahil dito, nakisali sa pagsasanay ng NLEX si Ravena.

Si Ravena na kasalukuyang naglalaro sa ilalim ng Shiga Lakes ng Japanese B.League ay may average na 10.5 markers, 4.0 dimes at 2.6 boards sa 2022-23 season para sa Shiga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter