MANANATILI si Kiefer Ravena sa Japan matapos pumirma ng bagong kontrata sa Yokohama B-Corsairs, na patunay ng kaniyang ikalawang taon sa koponan at ikalimang season sa Japan B. League.
Kinumpirma mismo ng Yokohama B-Corsairs na muli nilang kinuhang Asian import si Kiefer Ravena, ang dating NLEX guard sa PBA, para sa 2025 season ng Japan B. League.
Una nang naglaro si Ravena sa Japan para sa Shiga Lakes sa loob ng tatlong taon bago lumipat sa Yokohama noong nakaraang season, kung saan pinalitan niya si Kai Sotto bilang Asian import ng koponan.
Sa kaniyang unang taon sa Yokohama, nagtala si Ravena ng average na 9.8 points, 3.8 assists, at 1.9 rebounds kada laro, habang nagtapos ang koponan na may 24 panalo at 36 talo.
Ang pananatili ni Ravena sa Yokohama ay patunay ng kanyang tuloy-tuloy na kontribusyon at presensiya bilang isang beteranong manlalaro sa liga, habang patuloy na kinakatawan ang Pilipinas sa internasyonal na basketball scene.