Kieth Absalon, nasawi sa nangyaring pagsabog sa Masbate City

Kieth Absalon, nasawi sa nangyaring pagsabog sa Masbate City

NASAWI ang isang former UAAP football juniors Most Valuable Player na si Kieth Absalon, 21, at isa pa nitong kasamahan sa nangyaring pagsabog ng isang Improvised Explosive Device (IED) sa Masbate City Linggo ng umaga.

Sa nasabing insidente kasama rin sa nasawi ang tito nito na si Nolven Absalon, 40, habang sugatan si Chrisbin, 16 anyos na anak ni Nolven.

Base sa imbestigasyon ng Masbate City Police, papunta sana sa mga kamag-anak ang mga biktima nang tamaan ng shrapnel mula sa sumabog na IED sa Purok 4, Brgy. Anas, Masbate, June 6, 2021.

Ayon sa Philippine National Police na ang nasabing landmine ay kagagawan umano ng New People’s Army (NPA).

Kasunod ng pagsabog, naghigpit sa seguridad ang mga pulis sa Masbate City at inalerto rin ang mga  karatig-bayan, na posibleng daanan o puntahan ng mga salarin.

Samantala, nagbibigay naman ng suporta para sa aspiring football player na si Kieth Absalon ang FEU Tamaraws men’s football team na Malaya FC isang non-profit organization.

“Our hearts are broken as we bid farewell to another of our own. A brilliant player, MVP of 2019 #YouthFootballLeague U19 and 2019 CAFA Intermed U19 YFL, and one of the best players of the FEU boys’ team and now men’s team.”

SMNI NEWS