GALIT na galit ang isa sa mga kinikilalang lider ng mga katutubo sa Mindanao sa naging pahayag ni Senador Loren Legarda.
Ito ay hinggil sa pagpabor ng senadora sa teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na anila ay isang pagtatraydor sa mga katutubo.
“Tinraydor niya ang mga katutubo. Siya ang representative ng CPP-NPA-NDF sa Senate,” pahayag ni Datu Lipatuan Joel Unad, lider ng Tribong Obu Manuvu kaugnay sa pagpanig ng senadora sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
Si Datu Unad ay pinuno ng Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders (MIPCEL), isa sa mga kinikilalang lider ng katutubo sa Mindanao.
Sa eksklusibong panayam ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI News kay Datu Unad, masakit para sa kanila na malaman na biglang bumaliktad si Senador Legarda na itinuturing pa naman sana nilang bahagi ng mga katutubo dahil sa pagtangkilik nito sa mga kasuotan na gawa at dinisenyo ng iba’t ibang tribu.
“Kinilala siya na bahagi ng katutubo,” ayon kay Datu Unad.
Kinondena rin ni Datu Unad ang panukala ni Sen. Legarda na ibalik ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP- NPA-NDF dahil ang mga katutubo mismo ang nagpanukala noon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihinto ang peace negotiations sa pagitan ng rebeldeng grupo.
“Kami mismong katutubo sa buong Pilipinas nagbigay ng sulat kay PRRD requesting to stop peace negotiations,” ani Datu Unad.
Ayon kay Datu Unad, ayaw na ng mga katutubo sa CPP-NPA-NDF dahil sa pagpigil nito sa pag-unlad sa pamayanang katutubo at paggamit sa mga kabataang katutubo para maging child warriors.
“Ginamit nila ang mga kabataang katutubo para maging child warriors,” ayon kay Datu Unad.
“Pinigilan nila ang pag-unlad sa pamayanang katutubo sa pamamagitan ng kanilang extortion activities,” aniya pa.
“Mas makatarungan ang ating pamahalaan na gumawa ng barangay development para sa pamayanang katutubo,” dagdag ng Datu.
Hayagang sinabi naman ni Datu Unad na kailanman ay hindi nila naramdaman ang pakikialam ni Senador Loren Legarda sa hustisya ng mga tribong pinapatay ng CPP-NPA-NDF.
Dahil dito, nananawagan si Datu Unad sa lahat ng mga katutubo na hindi kilalanin na isang lider o isang opisyal ng gobyerno si Legarda dahil aniya sa koneksyon nito kay Joma Sison, ang lider ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
“From now, i-announce ko sa buong Mindanao at buong Pilipinas na hindi siya kilalanin bilang isang leader ng gobyerno,” ayon pa ni Datu Unad.
“Nananawagan ako na i-condemn at i-deny ang pagsuporta kay Sen. Legarda,” aniya pa.
“In behalf of the katutubo, talagang underground talaga ng Communist Party of the Philippines si Sen. Legarda,” pagtitiyak ng Datu.
“Mula ngayon, iwasan na natin si Sen. Loren Legarda,” dagdag nito.
Lubos naman na nagpapasalamat ang mga katutubo sa Mindanao sa suporta na binibigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy tunay na pagmamahal at pagmamalasakit ng butihing Pastor sa mga indigenous people.
“Nagpapasalamat ako sa SMNI, headed by Pastor Apollo C. Quiboloy,” pahayag nito.