Kilos-protesta sa araw ng SONA ni Pang. Duterte, mahigpit na ipinagbabawal

Kilos-protesta sa araw ng SONA ni Pang. Duterte, mahigpit na ipinagbabawal

WoodProfit

DAHIL sa mataas na panganib ng COVID-19 transmission, muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na anumang klase ng mass gathering o kilos-protesta sa panahon ng pandaigdigang pandemya ay mahigpit na ipinagbabawal.

 

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, pinakikiusapan  ang publiko na iwasan ang pagsama sa mga pagtitipon ngayong araw sa Ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t mataas ang panganib ng COVID transmission.

 

Bagama’t, karapatan ng sinuman na magpahayag ng kanyang saloobin o hinaing sa gobyerno ngunit dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, sinabi ni Malaya na mas mahalagang maprotektahan ang publiko laban sa COVID-19.

 

Dagdag pa nito, umaapela ang DILG sa mga rally organizers na huwag ikumpromiso ang kalusugan at kapakanan ng mga tao.

 

Sa halip na pisikal na pagtitipon, naunan nang sinabi ng pamahalaan na isagawa ang kilos-protesta online.

 

Kilos-protesta ng mga militanteng grupo, tuloy pa rin

 

gamebank

Itutuloy pa rin ng mga militanteng organisasyon ang kanilang kilos protesta ngayong araw kahit na ipinagbawal na ng DILG at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga pagtitipon sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Idinahilan nila na hindi bawal sa konstitusyon ang pagpapahayag ng saloobin at hindi naman umano ma-oover power ang IATF Resolution 57 at DILG Memorandum.

 

Pero tiniyak ng Bagong Alyansang Makabayan na patuloy silang makikipag-koordinasyon sa Quezon City LGU, QCPD at Commission on Human Rights para magiging maayos at tahimik ang kanilang aktibidad.

 

Susunod naman daw sila sa health protocol measures tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, social distancing, at pagdadala ng alcohol.

 

Isasagawa ang kanilang main rally sa harap ng CHR sa Commonwealth Avenue simula sa umaga.

 

Nagtalaga din sila ng iba pang assembly area sa paligid ng Elliptical Road at UP University Avenue bago ang Salubungan March sa University Avenue at Commonwealth Avenue.

 

Pagtiyak din ng militant groups na hindi na nila igigiit ang pagmartsa patungo sa Batasan Complex.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.