Kim Ji-won, magkakaroon ng fan meeting sa Manila ngayong Agosto

Kim Ji-won, magkakaroon ng fan meeting sa Manila ngayong Agosto

MAGSASAGAWA ng fan meeting sa Manila ang “Queen of Tears” star na si Kim Ji-won sa darating na Agosto.

Sa social media post nito, Agosto 3 ang “Be My One” event ng aktres pero wala pa itong karagdagang detalye patungkol sa venue at tickets.

Ibinalita rin ng kaniyang management company na maliban sa Manila ay iikot pa ito sa ibang Asian countries.

Nakilala si Ji-won sa mga teleserye at pelikula nito tulad ng “The Heirs,” “Descendants of the Sun,” “Fight for My Way,” at “My Liberation Notes”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter