Kim Seon-Ho, pinasalamatan ang kanyang Filipino fans dahil sa loyalty nito

Kim Seon-Ho, pinasalamatan ang kanyang Filipino fans dahil sa loyalty nito

PINASALAMATAN ng South Korean actor na si Kim Seon-Ho ang kanyang Filipino fans sa kalagitnaan ng una nitong in-person fan meeting dahil sa pagiging loyal nito kahit na dumaan ang aktor sa pagsubok ng kanyang career at personal na buhay.

Ayon sa aktor, nagpapasalamat siya sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang Filipino fans at pananatili nito sa kalagitnaan ng pagsubok at tagumpay. Kim Seon-Ho

Naging emosyonal din si Kim habang pinapanood nito ang fan project video na ipinalabas sa katapusan ng kanyang fan meeting kung saan itinampok dito ang mga mensahe sa kanya ng kanyang Filipino fans.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng kanyang pagsikat noong 2021 dahil sa kanyang hit Korean series na “Hometon Cha-Cha-Cha” ay sumabak na ang aktor sa kontrobersya na nagresulta ng pagbawi ng kaniyang endorsement at ibang TV projects.

Matapos ang maikling hiatus at mapatunayang inosente ang aktor ay nagbalik ito sa pag-film ng kanyang mga upcoming projects.

Follow SMNI NEWS in Twitter