Kiray Celis, naging inspirasyon ng netizen matapos niregaluhan ng P1-M cash ang ina

Kiray Celis, naging inspirasyon ng netizen matapos niregaluhan ng P1-M cash ang ina

NAGING inspirasyon ng ilang netizen si Kiray Celis dahil sa ipinakitang pagmamahal nito sa kaniyang mga magulang.

Sa Instagram post ng aktres ibinahagi nito na niregaluhan niya ng P1 milyon cash ang kaniyang ina.

Hindi pa man kaarawan ng ina ay nag-advance gift na si Kiray sa kaniyang ina na si Meriam Celis na magdiriwang ng kaarawan sa darating na Mayo.

Ayon sa aktres, hindi niya inakala na mabuo sa buwang ito ang kaniyang regalo sa ina ngunit laking pasasalamat niya na maibigay ito ng mas maaga.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang kaniyang ina at sinabing napakasuwerte niya talaga sa kaniyang anak.

Matatandaan noong nakaraang taon, sinorpresa rin ni Kiray ang kaniyang ina ng P57-K cash, bagong paupahan at gintong alahas para sa ika-57 na kaarawan nito.

Unang nakilala si Kiray bilang cast member ng kiddie gag show na ‘Goin’ Bulilit’.

Naging parte rin siya ng sikat na mga palabas na “Kampanerang Kuba”, “Mara Clara”, “100 Days to Heaven”, at “Luv U”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter