GUMUHO ang kisame ng Zuri Hotel sa Iloilo City, 10:40 PM nitong Abril 29 dulot ng malakas na ipo-ipo na may kasamang pagbuhos ng ulan at malakas na hangin.
Nasaktan sa biglaang pagbagsak ng kisame ang isang rider at nasira rin ang tatlong sasakyan.
Mabilis naman ang naging pagresponde ng Iloilo City emergency responders, kabilang na ang hotel staff upang mabigyan ng lunas ang biktima na agad ding itinakbo sa pinakamalapit na ospital.
Ayon sa pamunuan ng hotel, sasagutin nila ang gastos sa naaksidenteng rider at mga sasakyang nasira.
Tiniyak din ng hotel na nanatiling ligtas at matibay ang kanilang gusali dahil sa regular silang sumusunod sa safety standards ng lungsod.