INIHAYAG ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na tatanggalin nito ang kaniyang panganay na anak na si Shotaro mula sa role nito bilang executive secretary.
Ito’y dahil sa lumalalang kritisismo ukol sa hindi tamang mga larawan nito sa official residence sa isang family function noong 2022.
Sa pagsisimula ng buwan ay nag-ulat umano ang isang weekly magazine na mayroon itong kuha kasama ang mga kamag-anak sa hagdanan at iba pang importanteng parte ng residensiya na umano’y kawalan ng respeto.
Ayon kay Kishida, napagdesisyunan niya na tanggalin ang kaniyang anak sa pagtatapos ng 3-day G7 Summit noong Mayo 21.
Ayon sa mga ulat, si Shotaro Kishida ay paulit-ulit na nagiging sanhi ng sakit ng ulo ng punong ministro mula nang italaga ito bilang executive secretary noong Oktubre.
Matatandaan na mariing tinutulan ng oposisyon ang pagkakatalaga kay Shotaru dahil isa umano itong uri ng nepotismo.