Kisses Delavin, nagpaabot ng tulong sa mga kababayan sa Cataingan, Masbate

Kisses Delavin, nagpaabot ng tulong sa mga kababayan sa Cataingan, Masbate

NAGPAABOT ng simpatiya at dasal ang actress na si Kisses Delavin sa kanyang hometown na Cataingan, Masbate.

Itoy matapos niyanig ng 6.6 magnitude na earthquake ang lugar.

Lubos aniya ang lungkot na naramdaman ng actress ng makita niya ang mga kababayan na pansamantalang naninirahan sa evacuation facility ng lugar.

Subalit saludo naman ito sa pagiging matatag ng kanyang mga kababayan lalong-lalo na at kinakaharap din ng Cataingan ang pananalasa ng COVID-19.

Samantala, nilinaw naman ni Kisses na hindi apektado ang kanyang pamilya sa lindol.

Si Kisses ay itinanghal na Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.