Kita ng Cebu Pacific kasunod ng pandemic, tumaas ng 148%

Kita ng Cebu Pacific kasunod ng pandemic, tumaas ng 148%

INIHAYAG ng Cebu Pacific na tumaas ng 148% o katumbas ng nasa P6.71-B kumpara sa nakalipas na taon ang kita ng kanilang airline.

Matapos ang 2 taon na pakikipaglaban ng Cebu Pacific dahil sa umiiral na pandemya, ipinagmamalaki nila na unti-unti silang nakababawi simula nang niluwagan ang travel restrictions sa bansa.

Sa unang quarter ng 2022, ayon sa Cebu Pacific, nakapasagawa sila ng 16,521 flights.

Katumbas ito ng pagtaas ng 128% kumpara sa naitalang flights noong 2021.

Tumaas din ng 272% o 2.05 milyon ang bilang ng pasahero.

Ang mga cargo operation ng Cebu Pacific ay nagpapatuloy na lumalago kung saan tumaas ito ng 36% o hanggang 34.2M kgs mula 2021.

Nagtala rin ang CEB ng kita na P6.71 bilyon sa unang quarter ng taon, 148% ang itinaas mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Bunsod din ito ng passengers operation na umangat ng 256% sa P3.16 bilyon mula sa P887 milyon sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Gayundin ang mga ancillary at cargo revenues ay tumaas din ng 239% at 40% taon-taon.

Ang operating expenses ayon sa Cebu Pacific ay lumago rin ng 26% taon-taon.

Itoy dahil sa mas mataas na gastos ng gasolina bunsod ng pagtaas ng jet fuel prices.

Gayunpaman, lumiit ng 22% ang operating loss sa P5.34 bilyon sa unang quarter mula sa P6.82 bilyon sa parehong quarter noong 2021.

Nagkamit din ang CEB ng P2.52-B ng non-core losses dahil sa Forex translation ng mga pautang na dolyar at hindi namalayan ang pagkalugi nito sa merkado.

Dahil dito, nagtala ang kumpanya ng net loss na P7.61-B, 4%, mas mataas sa P7.30-B noong unang quarter ng 2021.

Ang CEB ay naka-generate ng net cash flow mula sa mga operasyon nito na P1.55-B.

Sa pagtatapos naman ng buwan ng Marso 2022, ang cash at cash equivalents ng CEB ay nagtala ng P18.42-B.

Kung matatandaan, nagsimula ang muling pagbawi ng mga airlines company nang ibinaba sa Alert Level 1 status ang NCR at iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bunga nito, niluwagan din ang travel restriction sa mga manlalakbay gayundin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 at karamihan sa mga pasaherong pinapasakay ay mga bakunado.

Follow SMNI News on Twitter