IPINANGAKO ng Filipino-American rapper na si Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas na mapupunta sa isang paaralan sa Pilipinas ang lahat ng kita ng isang Christmas song kung saan siya ay co-producer.
Sa pahayag ng rapper, buwan ng Abril ngayong taon nang bumisita siya sa naturang paaralan at doon niya nadiskubreng magaganda ang boses ng kanilang school choir.
Mula rito ay naisipan ni Apl.De.Ap na gumawa ng kanta para sa mga ito katuwang ang music producer na si Keith Harris at songwriter na si DC Quinones.
Ang nabuong kanta ay may pamagat na ‘It’s That Time of the Year’.