POSIBLENG mauubos ang kinita ni Senator Manny Pacquiao sa pagboboksing kung tatakbo ito sa pagkapangulo bilang independent candidate.
Ito ang hayagang sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, kasunod na rin ng pagbawi ng ilang grupo ng suporta kay Pacquiao matapos itong magdesisyon na manatili sa PDP-Laban at tiyakin na ito ang magiging pambato ng partido sa pagkapangulo sa 2022.
Ngunit tagilid dito si Pacquiao dahil kamakailan lang ay iniindorso ng PDP-Laban sa ilalim ng paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang tandem nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Roa Duterte o ang Go-Duterte tandem.
Ayon kay Enrile, mahirap ito para kay Pacquiao lalo na kung ang kanyang magiging kalaban ay ang mismong pambato ng administrasyon.
Giit pa ni Enrile, sa dami ng nangangailangan ngayong pandemya, at sa pangakong pabahay, tiyak na mauubos ang bilyon-bilyong pera ni Pacquiao.