INANUNSYO ngayong araw ang suspensiyon ng klase sa lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija dahil sa Bagyong Maymay.
Base sa inilabas na kautusan ng DILG, batay sa DepEd Order No. 37 s. 2022, mula pre-school hanggang Grade 12 ay hindi muna papayagang pumasok ang mga mag aaral ngayong October 12, 2022.
Agad naman na magbibigay ng panibagong abiso ang mga apektadong lokal na pamahalaan oras na humupa na ang sama ng panahon.
Patuloy rin ang obserbasyon na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa estado ng pananalasa ng bagyo sa bansa.
Batay sa taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinutumbok ng Bagyong Maymay ang hilagang bahagi ng Luzon.