NGAYONG araw, Nobyembre 15, 2024, dahil sa Bagyong Ofel at kakapasok lang na Bagyong Pepito, walang pasok sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar tulad ng:
- Albay
- Batangas: Alitagtag, Cuenca, Laurel, Balete
- Biliran: Naval
- Cagayan
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Eastern Samar: Guian
- Isabela: Santiago, Echague, San Isidro
- Masbate
- Northern samar
- Quirino
- Sorsogon
Sa Daram, Samar ay tanging pampublikong paaralan lang ang walang pasok habang pre-school hanggang senior high school sa Paracelis, Mountain Province.
Samantala, ang Occidental Mindoro ay walang pasok dahil ipinagdiriwang ng probinsiya ang kanilang founding anniversary.