SUSPENDIDO ang klase sa ilang mga lungsod sa Metro Manila ngayong Huwebes, Agosto 31, 2023.
Ito ay dahil sa masamang panahon na epekto ng habagat na pinalalakas ng Bagyong ‘Goring’ at ‘Hanna.’
Kabilang sa mga lungsod na suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ay ang Maynila, Navotas, Marikina, Malabon at Caloocan.
Samantala, suspendido rin ang ilang klase sa Mariveles, Bataan, Ilocos Norte, Abra, Baguio City, Benguet, Aparri at Buguey sa Cagayan, at Bacolod City, Negros Occidental.