KOJC Cathedral, papasabugin ng PNP sa loob ng dalawang oras kung hindi isusuko si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa natanggap na report ng simbahan.
Bandang alas-4 ngayong umaga ay may pinasok na mga kagamitan na nakakahon ang PNP at may limang sibilyan silang sinama sa loob.
Ilang oras silang nagsagawa ng operasyon sa lugar bago nila pinayagang makapasok ang mga abogado ng simbahan.
Matatandaang nag-isyu ng protection order ang Davao RTC ngunit patuloy sa paglabag sa utos ng korte ang PNP.