KOJC Central Compounds sa Davao City, binuksan sa pagsisiyasat ng ilang vloggers 

KOJC Central Compounds sa Davao City, binuksan sa pagsisiyasat ng ilang vloggers 

SA gitna ng kabi-kabilang alegasyon at kasong kinakaharap ni Pastor Apollo C. Quiboloy ngayon, binuksan sa mga vlogger ang mga compound ng The Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) upang mabigyan sila ng pagkakataon na magsuri nang personal ukol sa mga isyu.

Pinaunlakan ni Pastor Apollo ang mga ito na maglibot, magtanong ng impromptu sa mga Full-Time Miracle Missionary (FTMMs), upang saksihan at suriin ang kani-kanilang pamumuhay sa loob ng mga compound na ito.

Una nilang nilibot ang kasalukuyan pang ginagawa na 75,000 seating capacity na KJC King Dome.

‘‘First time kong makapasok kagabi dun sa King Dome. Yung sa bisaya pa, abi abi. ‘Yung pag welcome, pagsalubong sa amin ng mga tao, ramdam namin na itong mga taong ito mabubuti. So, ito ang itinuro sa kanila ni Pastor. Kung nagawa ng mga taong ito dahil mula sa turo ni Pastor maaaring ganun din o higit pa ang kabutihan ng pagkatao ni Pastor. Kaya ko sya sinuportahan,’’ ayon kay Riel Oja, Political vlogger, Pambansang Loyalista.

Alegasyon ng pang-aabuso at isyu ng baril vs Pastor Apollo C. Quiboloy, pinasinungalinan ng independent vloggers 

Sa kasunod na araw, umakyat sila sa Covenant Mountain and Paradise Garden of Eden Restored sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City kung saan nakilala rin nila ang ilan sa mga FTMMs ng KOJC.

Dito nila nakilala ang ilan sa mga pangalan na dinawit sa umano’y mga pang-aabuso sa loob ng KOJC ayon sa bogus witnesses nina Sen. Risa Hontiveros sa mga nakaraang pagdinig sa Senado laban kay Pastor Apollo.

Dito, nabigyan ang mga vlogger ng pagkakataon na magsuri at magtanong sa mga witness nang walang script kung totoo ngang may pagmamaltrato rito.

Sinundan ito ng pagpunta nila sa kontrobersiyal na Glory Mountain.

Dito kasi nakita umano ng false witness na si Alias Rene na nagbigay ng mga bag ng baril si Pastor Apollo kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak nito na ngayon ay Bise Presidente Inday Sara Duterte.

Nandito rin ang mga naging kasamahan noon ni Alias Rene na landscapers sa Glory Mountain at napakilala kung sino at ano ito dito.

Independent vloggers, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy 

‘‘Nakasuporta ako kay Pastor Quiboloy dahil una sa lahat ang pinaglalaban namin dito ay press freedom kasi naaapakan na po eh,’’ saad ni Lord Oliver Cristobal, Political Vlogger, Coach Oli News Ph.

‘‘Di po tayo member ni Pastor Apollo Quiboloy. Nagpapasalamat nga po ako dahil bilang independent vlogger napagbigyan po tayo na masilip natin at makita po natin kahit papaano malaman po natin kung ano ang side nila. Sapagkat may mga lumabas po na imbestigasyon ang napakita lang po ay ang mga nag-aakusa kay Pastor Quiboloy,’’ ayon naman kay Rolando Labonite, Polotical Vlogger, VMR Channel.

‘‘Gusto lang namin ng pantay na hustisya na makamtam ng bawat…mayaman man o mahirap. Kaya pumunta po kami dito sa Glory Mountain para personal na malaman kung totoo ‘yung sinasabi ni Alias Rene. Base po sa nakita namin dito, from the start dun sa baba may helipad. Dun pa lang naghanap na ako ng mansion. So, wala akong nakitang mansion. Hanggang sa nakapunta kami dito sa pinakadulong ito, well, wala rin akong nakitang mansion. Well may nakita akong tent. Di naman mansion ito, kubo ito. Ang ibig sabihin nito, ang pagpunta namin dito ay para imbestigahan natin kung may katotohanan ‘yung ginagawa ni Sen. Risa Hontiveros diyan sa Senado, ‘yung paratang kay Pastor Quiboloy. Maliwanag po sa amin, tama po ang pinaglalaban namin na talagang sinungaling itong witness ni Sen. Hontiveros. Take a look at this, kung may tinatago si Pastor Quiboloy ‘di ka papupuntahin dito. ‘Di niya ipapa-cover ito, ipapakita. Meaning, wala siyang tinatago,’’ pagpapahayag ni Dan Chan, Political Vlogger, Brothers Travellers.

‘‘Sa edad kong ito, ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong lugar. Meron palang ganitong lugar no? Bukod sa malamig, napakaraming puno, maraming pine trees. Tapos ‘yung mga bulaklak dito napaka ayos, napaka systematic. ‘Yung mga tao, mukhang wala naman akong nakikitang minamaltrato dito. Ito ang sarili kong pagtingin nung nakarating ako dito,’’ dagdag pa ni Labonite. 

No holds barred din na sinagot ni Pastor Apollo ang kani-kanilang mga katanungan kasama si Dating Pangulong Duterte.

Ang vlogger na si Lord Byron Cristobal o kilalang Banat By na bulgarang naging kritiko ni Pastor Apollo noon, una nang nag-post sa social media ukol sa pagkikita nila ng butihing Pastor.

‘‘Nandito po tayo para suportahan si Pastor Quiboloy dun sa panawagan nya na maging patas lang. Atin naman po ay ‘di natin sinasabi na si Pastor Quiboloy ay walang kasalanan o di kaya ay may kasalanan. Ang importante po ay patas. Actually, nung aking tinitimbang bakit tayo sumusuporta kay Pastor Quiboloy, sapat na ho sa akin tulad din po ng sinabi ni Senator Robin ‘yung kaniyang pinaglalaban tungkol sa ating mga rebelde. Alam niyo, ito lagi kong sinasabi sa aking LIVE na ang SMNI lang talaga ang tumayo para labanan itong mga rebelde na napakahirap. Alam po natin ‘yan. Dekada na po silang nanggugulo sa ating bayan. Dekada na ho silang nang-aabuso ng ating mga kababayan. At mahirap lumaban sa mga rebelde na ito pero ganun pa man si Pastor Quiboloy ay matapang na hinarap po ito. At naniniwala ako na isa ito sa dahilan kung bakit pinipilit itumba si Pastor Quiboloy. Kaya nandidito tayo para lumaban din, tumulong din, sumuporta sa pinaglalaban ni Pastor Quiboloy,’’ pahayag ni Lord Byron Cristobal, Political Vlogger, Banat By.

At bago sila umalis, personal silang inilibot ni Pastor Apollo sa ilang mga pribadong lugar sa KJC Central Headquarters upang mapatunayan na walang anomalyang itinatago ang KOJC at handa nitong sagutin sa korte ang mga ipinupukol na mga akusasyon at kaso.

‘‘I always respect ‘yung ibang relihiyon. 

Naalagaan ni Pastor Quiboloy ang kaniyang mga worker, provided lahat. ‘Yun po ay malaking bagay. Kaya nga noong nakita ko ‘yung eskwelahan, napakaganda po ah. Napakaganda nung school. Pero ‘yun libre. Ang maganda nun sinabi sa akin na ‘yun ay puwede sa outsiders hindi lang sa members. 

So, kung napapag-aral ni Pastor Quiboloy ‘yung mga outsiders, palagay ko kaya niyang pag aralin ‘yung mismong miyembro niya,’’ ayon pa kay Coach Oli.

‘‘Ang di ko makalimutan na sinabi ni Pastor, gumawa lang ng mabuti sa kapwa. Tumulong sa kapwa gaya ng ginagawa niya ngayon sa mga Full Time Worker sa Kingdom of Jesus Christ. Kasi ngayong sinisira na siya pero itong naririto kahit itong mga nasa labas na na mga ex worker na lang sila ngayon nagsasabi sila ng totoo na si Pastor mabuting tao. Kasi ‘yun naman talaga ang naranasan nila nung sila ay Full Time Worker pa hanggang sa paglabas nila, ex worker na lang sila dala-dala pa rin nila ‘yung alaala sa kabila ng kabutihan ni Pastor,’’ dagdag pa ng Pambansang Loyalista.

‘‘Bilang political vlogger, ginawa ko po itong personal na laban ang nangyayari kay Pastor Quiboloy. Personal na laban dahil lahat ng source na kinukuha ko po sa pagvovlog ay galing po sa SMNI,’’ ayon kay Pompio Juntilo, Jr., Political Vlogger, Bisdak Pilipinas.

‘‘Para sa akin bilang isang Pilipino, nasa demokrasyang bansa po tayo. Bayani sa akin si Pastor Quiboloy. Bakit bayani? Base sa aking pananaliksik, at base sa personal kong knowledge kay Pastor Quiboloy ay marami po siyang tinulungang mga Pilipino na ‘di nagawa ng mga politiko. Ang laban na ito ay di kaya ng isang ordinaryong Pilipino – ang paglaban sa komunistang grupo ng CPP-NPA-NDF. Dito ako bumilib kay Pastor Quiboloy. Na dapat ang ginagawa ni Pastor Quiboloy sa pagtuligsa sa mga komunistang grupo ay ginagawa dapat ‘yan ng nasa gobyerno. Kaya ako ngayon ay sumuporta kay Pastor Quiboloy ay tinitingnan ko ho ang utang na loob na ginawa ni Pastor Quiboloy sa ating pinakamagaling na Presidenteng Rodrigo Roa Duterte,’’ dagdag pa ni Juntilo.

‘‘Well previously, we had a lot of reservations at marami din kaming questions regarding ‘yung leadership ni Pastor, the Church and ‘yung community.

Pagpunta namin dito, even if meron kaming negative comments before kay Pastor, ang pinakagusto kong ginawa niya ay instead na answering those sa mode na ginagawa namin which is vlogging or video, pinapunta niya kami dito. He invited us here para ma-experience namin, makita namin sa mga sarili namin kung gaano ka organize, gaano kaganda, gaano ka respectable itong Kingdom of Jesus Christ. 

So, marami kaming mga tanong, informations na na-gather, halos lahat ng questions ko personally at mga viewers ko ay masasagot ko na. Na-enlighten kami in some way. Ang ganda ng experience. Sa ngayon masasabi ko na maraming tanong ko na nasagot,’’ pagpapahayag ni Darwin Salcedo, Political Vlogger, Boss Dada TV.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter