KOJC, hinangaan sa gitna ng pang-aabuso ng mga pulis

KOJC, hinangaan sa gitna ng pang-aabuso ng mga pulis

HINANGAAN ang mga misyonaryo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil sa ipinakitang karakter ng mga ito sa gitna ng marahas na pagkubkob ng mga pulis sa KOJC compound sa Davao City.

Maaalalang Agosto 24, 2024 inumpisahan ang ilegal na pagkubkob at pag-ukopa ng libu-libong mga pulis sa KOJC religious compound gamit ang isang alias warrant na nakapangalan kay Sylvia Cemanes.

Sa unang araw pa lang, isang KOJC missionary na ang naitalang nasawi habang marami ang nasugatan.

Sa kabila ng mapait na sinapit mula sa kamay ng kapulisan sa pangunguna ni Nicolas Torre ng PRO-11 ay mas nanaig sa KOJC missionaries ang mga turo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pahayag nga ng political vlogger na si EB Jugalbot,

“What happen is a display of character of the government and KOJC. It showed ‘yung resilience ng KOJC membership, ‘yung kanilang- your incredible restrain not to resort to violence talagang napakahirap gawin iyan. With all the resources that you have, you have all the reason to go violent against the police but you show how to stand up to oppression without being violent,” ayon kay EB Jugalbot, Political Vlogger.

Ang political commentator na si Jay Sonza, sinabi nito na,

“Ako sa totoo lang, hindi ko siguro– mahaba ang pasensya ko pero pagkaganyan na siguro, tingin ko first day pa lang magkakaproblema na,” Jay Sonza, Political Commentator.

Si Dr. Lorraine Badoy, nagbigay rin ng kaniyang pahayag ukol dito.

“Admirable faith talaga and the strength of your faith and character just shown through the dark time. Nakita natin doon sa pagmamarahas ng Marcos administration, taas noo kayo at tsaka panalo kayo, very victorious,” Dr. Lorraine Badoy, Former Spokesperson, NTF-ELCAC.

Dagdag pa ni Dr. Badoy, kung hindi nabago ni Pastor Apollo ang buhay ng mga taga-KOJC ay talagang magiging magulo ang kalalabasan ng pag-ukopa ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC Compound.

“Kung hindi pa sila na-transform talaga ni Pastor, pwede silang mag- retaliate. Natutulog, pwede mo ng patayin di ba? But they did not, nagpupuyos ‘yung puso nila,” ani Badoy.

Natapos ang ilegal na pagkubkob at pag-ukopa ng PNP sa KOJC compound noong Setyembre 8.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble