NAGLABAS ng opisyal na pahayag ngayon ang pamunuan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay sa pakikiisa sa mga Maisug rally.
Ayon sa executive minister ng KOJC na si Bro. Marlon Acobo, hindi na dadalo o makikiisa ang KOJC sa anumang Maisug rally dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Mas pagtutuunan muna ngayon ng KOJC ang pagbabahagi ng salita ng Panginoon na bahagyang napabayaan.
Kasabay nito, nagpapasalamat ang pamunuan ng KOJC sa pang-unawa.