KOJC Legal Counsels, mga opisyal kay Abalos: Kayo dapat ang unang sumunod sa batas

KOJC Legal Counsels, mga opisyal kay Abalos: Kayo dapat ang unang sumunod sa batas

NI-lecturan ng legal counsels ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang gobyerno matapos sabihin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na tinatapakan at niyuyurakan ng KOJC ang sistema ng pamahalaan pagdating sa pagse-serve o pagsisilbi ng warrant of arrest.

Pasaring pa ni Abalos, mukhang sila pa daw ang lumalabas na masama sa pagsisilbi ng warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa iba pang kasama nito.

Pero ang KOJC legal counsels kasama ang mga opisyal ng simbahan, ‘di nagpatinag.

Giit nila – ang mga salitang ito ni Abalos ay hindi nararapat para sa religious group dahil ang mismong pamahalaan ang hindi marunong sumunod sa batas.

At sino nga ba ang tunay na lumabag sa batas? Hindi ba’t ilegal na inatake ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Special Action Force ang religious compounds ng KOJC sa Davao City at Sarangani Province nitong Hunyo 10?!

Hindi ba’t sa paglusob nila’y sapilitan nilang pinasok ang mga religious compound kung saan sinira pa nila ang gate ng Glory Mountain?!

Hindi ba’t nanakit pa sila ng mga misyonaryo ng simbahan na noo’y nakikiusap lang na hintayin sana nila ang mga abogado ng KOJC bago man lang sila pumasok?!

Sino ngayon ang lumabag sa batas?!

“Ang batas ay batas, tama, kung sinusunod natin ang batas pero mukhang sa kaso na ito hindi po sa amin sa Kingdom of Jesus Christ mo sinasabi ‘yan, Secretary, dahil wala kayong sinunod na batas. Doon sa nangyari noong June 10 sa KOJC, walang batas. Tama nga batas ay batas. Kayo dapat ang unang sumunod sa batas. Yaon oh, ‘yan ang batas ninyo. Tama ‘yon, batas ay batas. Tama ‘yon.  Kaya ngayon hinahabol kayo ng batas. Tapos kayo pa ang magsabi na tinapakan, yinurakan. Sino ba ang tinapakan ng boots ng mga sundalo? Di ba ‘yong mga KOJC na missionary. Mukha ng mga babae. ‘Yon ang tinapakan. Ano ‘yong sinasabi niyo na pinag-aralan, talagang pinagplanuhan. ‘Yan ang pinlano niyo na gawin noong June 10. Kaya salita kayo nang salita, nahuhulog na talaga kayo sa sarili niyong mga hukay. Sa totoo lang ha, am not saying this because I am saying this. Because this is what the truth is. Nakikita naman ng buong mundo ang nangyari.”

“This government has become lawless. ‘Yon ang magiging statement ng KOJC. Lahat ng sinabi ni Sec. Abalos, sa kaniya babalik ‘yon. Sumunod ka sa batas Secretary Abalos at lahat ng kung sino pa mang kasama niyo. ‘Yon dapat at saka ‘yong tinapakan, yinurakan, kami ‘yon. Hindi kayo. ‘Wag kayong magpa-feeling victim kasi alam na ng buong mundo ang nangyari. Magpakatotoo tayong lahat. Gaya nga ng sinabi ng Ama natin sa Langit, na ang kaniyang mga salita that nothing is hidden from GOD. You can try to hide, we can try to pretend but the Father knows the evil that we are doing,” saad ni Sis. Nori Cardona, Executive Secretary, KOJC.

Kung may dapat mang habulin ang gobyerno ayon sa KOJC ay yaong mga kurap sa gobyerno, ang mga sangkot sa ilegal na droga, mga smuggler, iba pang kriminal sa bansa at hindi si Pastor Apollo Quiboloy na biktima ng mga false accusations.

“Sino ba ang dapat managot? Ito na naman ibabalik na naman namin sa inyo, ano ba ang kasalanan ng KOJC? Ano ba ang kasalanan ni Pastor Quiboloy? Meron na ba? Napatunayan ba? Puro false accusations yon. Puro false allegations ‘yon. Pero para sa inyo, parang kriminal na si Pastor at ganun kayo kung umasta. Bakit hindi ‘yong dapat managot ang habulin ninyo, ang hulihin ninyo? Lagyan niyo ng patong sa ulo. ‘Yon ang dapat. ‘Yong mga magnanakaw dito sa gobyerno. ‘Yong mga smuggler, mga drug addict, mga drug lord. ‘Yon ang mga makasalanan. Hindi ‘yong KOJC. Nagkakamali kayo, wala dito ang sinasabi ninyo. Binabalik ko sayo Sec. Abalos ‘yong batas ay batas, tama. Dapat ikaw ang unang sumunod diyan.

“‘Yong sinabi niyo po na magse-serve ka ng warrant, ikaw pa ang masama. Totoo po ‘yon. Kayo po talaga ang masama. Kayo po talaga ang masama sa pagse-serve ng warrant,” wika ni Bro. Carlo Catiil, Resident Kingdom Minister.

“Kawawa talaga ang gobyerno natin, ‘yong matuwid, ginagawang baluktot, ‘yong baluktot ginagawa niyong matuwid, di ba imbes na mag-focus kayo sa totoong kalaban ng bayan, kami po ang pinag-aaksayahan niyo ng oras. Si Pastor ang unang tumataya e sa interes ng ating bansa. ‘Yong mga humanitarian po ni Pastor, ever since po na maliit pa ang ministry, wala pong pera ‘yon sa gobyerno ‘yon di ba, sa kalamidad, doon agad si Pastor. Kahit nga po noong Yolanda e, may camera man o wala, tuluy-tuloy po ang pagbibigay ng tulong ni Pastor. Hindi po siya politiko ha, hindi po kami nanawagan na hoy, iboto niyo si Pastor, hindi po kami nandiyan para o ha dapat maging member kayo, hindi. Ito po ang totoong pag-ibig sa kapwa,” pahayag ni Yna Mortel, Kingdom Worker.

Ayon naman kay KOJC Legal Counsel Atty. Israelito Torreon, sa pagsisilbi pa lang ng warrant ay lumabag na sa batas ang pamahalaan lalo’t hindi pa inaaksiyunan ng Department of Justice ang inihain nilang Motion for Reconsideration sa mga isinampa nitong kaso laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Ano po ba ang batas? Ang batas po ay Section 13 Department of Justice Circular No. 70 and what does it require or states? It states that the respondent has the right to file a motion for reconsideration and that was availed of PACQ last March 11, 2024. What are the other rules on the matter. Supreme Court Administrative Circular, which mandates that all judges including prosecutors must pro to act to all motions and interlocutory order pending before their courts.”

“What appears to me, your government specifically the DOJ failed to rule the motion for reconsideration which under Supreme Court Administrative Circular 188 need to be resolve, instead of acting on it,” interlocutory order,” paliwanag ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

Paglabag din anila sa batas ang paggamit ng puwersa ng mga awtoridad sa pagsisilbi ng warrant maging ang ginawang trial by publicity laban kay Pastor Quiboloy sa mga congressional hearings.

“It seems to be ironic that the person who is challenging or telling us this, the one who violates the very govt process that we have set by law particularly just to add the legal citations made by Dean Torreon.”

“Number 01, ‘yong ginawa doon sa Congress with respect to the hearing, the trial by publicity is already a violation. People are already giving impressions that PACQ and the team are already guilty of the accusations despite the fact na wala pa ngang trial.”

“Second, is the excessive… Of the arrant during the June 10….” paliwanag naman ni Atty. Adam Jambangan, Legal Counsel.

“The primary duty, of the government of the state officials is to serve the people, it is your duty to protect our life, liberty, remember, going back to day of infamy, dalawang indigenous people ang namatay, the indigenous were handcuffed nor suffered hallucinations. Ganun ang trauma na ginawa ninyo,” saad ni Atty. Kaye Laurente, KOJC Legal Counsel.

“Go back to the constitutional guarantee Section 2 A no person shall be deprived of liberty, properties, and there should be the… Unwarranted search and seizures that is inviolable. Imagine ninyo,” dagdag ni Atty. Laurente.

Hirit pa nila na tama si Abalos na ang mga dapat managot ay dapat managot kaya nga inihahanda na ng legal team ang mga ikakaso sa mga lumabag sa batas at lumapastangan sa karapatang pantao ng KOJC.

“Kaya nga we are preparing all these cases… Building up cases against you because we know for the fact that law is law and no one above is the law even you can be liable for this,” dagdag ni Atty. Jambangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble