KOJC missionary workers sa Davao City, nananatiling matatag sa kanilang pagsalubong ng Bagong Taon

KOJC missionary workers sa Davao City, nananatiling matatag sa kanilang pagsalubong ng Bagong Taon

SA kabila ng matinding unos at kapagsubukan na naranasan ng mga taga-Kingdom of Jesus Christ (KOJC), malugod na sinalubong ng mga miyembro at manggawa nito ang Bagong Taon sa loob ng KOJC Compound sa Davao City nang may kagalakan at nananatili ang kanilang katatagan dahil nakaukit na sa mga puso ang katuruan ni Pastor Apollo C. Quiboloy at baon-baon ang pag-asang muli ring makakasama ang butihing Pastor.

Maituturing na pinakamatinding kapagsubukan ng mga taga-Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nangyaring pag-uusig kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ngunit nagdaan man ang pagtama ng matinding unos, ay hindi nito nagiba ang pagkakaisa at katatagan ng bawat miyembro at manggagawa ng KOJC dahil sa kanilang matibay na paniniwala at pananampalataya sa butihing Pastor.

‘’The raid they conducted on the compound here at the Central Headquarters in Davao City, where we also lost three Kingdom members, was difficult to process. If you think about the transition, it’s natural for hatred and anger to arise, especially when injustices are done to us in our own compound, which we consider sacred,’’ Carlo Catiil Resident Minister, Kingdom of Jesus Christ said.

‘’But because of Pastor’s teachings, we gradually overcame those emotions—our anger, hatred, and bitterness—because the teaching of love prevailed.’’

‘’Now, we can see the transition, with things returning to normal, and the entire compound is full of life again, especially with the youth. The same goes for the young people, adults, and senior citizens living within the compound,’’ he added.

Sa kanilang pagsalubong sa taong 2025, nagtipun-tipon ang lahat ng mga missionary worker mula sa KOJC Central Headquarters para sa isang maligayang pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon sa King Dome Plaza. Kasabay nito ay nagkaroon din ng mga kasiyahan ang mga full-time miracle missionary mula sa iba’t ibang departamento ng KOJC Compound.

‘’We are thankful because, through Pastor, we were truly taught to remain strong even when Pastor is not here physically. It’s really different, isn’t it? Pastor is not here, but his teachings are already embedded in our hearts and minds. We remain steadfast,’’ Carlo Catiil said.

‘’The year 2024 was a challenging yet victorious year for the Kingdom Nation, even with Pastor being in that place because of injustices. We know Pastor has remained strong. And because of him, we draw inspiration and strength to continue standing firm and doing good not only for the Kingdom Nation but for the entire Philippines, as well,’’ he added.

Matatandan na humarap sa labis na paniniil at pang-aapi ang mga KOJC missionary worker sa kamay ng mga tagapagpatupad mismo ng batas. Ang June 10, August 24, at September 8 sa taong 2024 ay ang mga petsang hindi nila malilimutan at nakasulat na maging sa kasaysayan.

Gayunpaman, nanatili silang matatag sa pagsapit ng panibagong taon dahil si Pastor Apollo C. Quiboloy ang kanilang pinaghuhugutan ng inspirasyon.

‘’Sa mga karaniwang taon, palaging pinangungunahan ni Pastor ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ngunit sa pagkakataong ito, medyo kakaiba talaga. Pero lahat ng nangyayari sa Bansang Kaharian ay nakatakda na, at palaging ipinapaalala sa atin ng Anak na manatiling matatag lagi,’’ ayon kay Keyah Decain Scholar, ACQ College of Ministries.

“Nakita naman natin kung gaano kasaya ang buong Kaharian kahit wala si Pastor dito, dahil ang mga pagtuturo ni Pastor ay mismo nandito na sa ating mga puso at sa utak natin; nasusulat na iyan sa ating mga puso. Kahit wala si Pastor, patuloy pa rin ang Kaharian. Kahit wala si Pastor, masaya pa rin kami dahil alam namin si Pastor kasama namin palagi,” saad ni Alexander Budao Missionary Worker, Kingdom of Jesus Christ.

Hindi mababakas sa mukha ng mga bata, kabataan, at matatanda ang trauma at sakit na kanilang naranasan nang kinubkob at dinungisan ang banal na dako ng KOJC Compound sa Davao City dahil napuno ng kantahan, sayawan, papuri at pasasalamat sa ating Makapangyarihang Ama ang lugar bilang pagsalubong sa darating na panibagong taon o bagong yugto ng kanilang mga buhay.

Sa naturang selebrasyon, hindi nawala ang pagpapamalas ng mga talento sa pamamagitan ng pag-alay ng mga awiting pamasko at dance presentation.

Na-aliw din ang lahat at napuno ng tawanan ang lugar sa isinagawang parlor games sa kalagitnaan ng programa. At hindi rin nawala ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang — ang mapakinggan ang ipinaabot na mensahe ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang pagdating ng Bagong Taon ay ang pagsibol ng panibagong buhay tulad ng pagsikat ng araw na puno ng pag-asa para sa buong Kingdom Nation.

Ito ay isang paalala na sa kabila ng lahat ng hamon at unos na dumating sa paglilingkod, ay palaging mayroong pagkakataon upang magpatuloy muli.

Sa huli, nagpaabot ng mensahe ang mga miyembro at manggagawa ng KOJC para kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘’Pastor, we miss you so much, especially all the Kingdom citizens, all FTMW, and members. Pastor, we hope that in 2025, we will be able to be with you again and see you once more,’’ Jazmine Claire Bayaras Scholar, ACQ College of Ministries said.

‘’We know, Pastor, that even though you are in your current situation, your words still resonate in our minds and hearts. And once again, Pastor, happy new year, and we love you,’’ Clear Bayang Scholar, ACQ College of Ministries added.

‘’Happy New Year, Pastor. Thank you, even though you are not here, you still think about our well-being and how we are doing. Now, even without you, we are all still enjoying, and the celebration continues. Thank you, Pastor, for everything. Stay strong,’’ Jake Ondong Missionary Worker, Kingdom of Jesus Christ said.

‘’On behalf of all the FTMWs, especially here at the Central Headquarters, we thank you, Pastor. Because of your strength, we became strong, Pastor. Because of your teachings, Pastor, we can now stand on our own and taking a firm stand. From all of us here, happy new year, Pastor. A strong new year to all of us,’’ Carlo Catiil Resident Minister, Kingdom of Jesus Christ said.

Tulad ng araw na hindi nawawalan ng lakas na bumangon tuwing umaga, ang Bansang Kaharian nananatiling matatag at puno ng pananampalataya sa darating na bukas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter