HINDI napigilan ng malakas na pagbuhos ng ulan ang suporta na ipinakita ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at KOJC missionaries sa Japan sa kanilang ginawang stand-up rally sa Shinjuku, Tokyo upang ipakita ang kanilang patuloy na suporta sa mga tumatakbong senador sa ilalim ng PDP Party-list at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Pinangunahan ng Republic Defenders for Peace and Unity at ng KOJC missionaries ang nasabing stand-up rally na ginawa sa Shinjuku Station noong Marso 16.
Dinaluhan naman ng maraming Pilipino mula sa iba’t ibang lugar sa Japan upang ipakita at ipahayag ang kanilang buong suporta sa mga tumatakbong senador sa ilalim ng PDP Laban Party.
“I am Japanese but personally, I think this is a very good thing. I have listened to many messages from Pastor Apollo Si Quiboloy, and I feel that by participating in politics, I can take great actions to change the Philippines. I hope you will run for the Senate and do your best. The current president’s approval rating has also fallen sharply. If we don’t replace the president and choose a new generation of president, I am concerned that the situation in the Philippines itself will worsen to the point of no return. Now that Pastor Apollo C. Quiboloy is running for senator, I would like to extend my support to him. Good luck,” wika ni Ryu Iseda, Japanese National.
Samantala, kabilang rin sa mga tumatakbong pagkasenador para sa 2025 midterm elections sa ilalim ng PDP-Laban na pinamumunuan ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Christopher “Bong” Go, Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta, Atty. Jesus “Jayvee” Hinlo, Jr., Atty. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Victor Rodriguez, Philip Salvador, at Dr. Richard Mata.
Nagpaabot naman ng mensahe ang OFW dito sa Japan na ibalik na sa bansa ang dating pangulo ng Pilipinas matapos ang marahas at iligal na pag-aresto nito.
Sa huli, nagpaalala naman ang mga taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy na sa darating na Mayo 12 ay pumili ng mga lideratong may tunay na pagmamahal sa bansa at sa sambayanang Pilipino.