NANINIWALA ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na lumabas na ang tunay na kulay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. matapos itong galit na punahin ang KOJC sa ginawa nitong pagkuwestiyun sa P10-M bounty na ibinigay ng gobyerno para kay Pastor Apollo Quiboloy.
“Bakit lagi kaming kinukwestiyon? Sinusundan lang namin ang batas. Sundin din niya ang batas,” pahayag ni Bongbong Marcos Jr.
‘Yan ang galit na pahayag ni Marcos Jr. sa KOJC matapos kwestiyunin ng religious group ang pagpapalabas ng P10-M bounty ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at tig-isang milyong piso naman para sa iba pang akusado.
Sinabi ng mga KOJC Legal Counsel na mali at ilegal ang pagtanggap ni Benhur Abalos ng donasyon mula sa mga pribadong indibidwal para gawing reward money dahil sa isyu ng public trust.
Kung pagbabatayan nga ang pahayag ni Marcos Jr. ay tila kinukunsinti pa nito ang maling gawi ni Abalos lalo pa’t ayaw rin nilang ipaalam sa publiko ang private sources ng reward money.
“Hindi naman po kami nagsasabing huwag magbigay ng bounty. Practice po talaga ‘yan, nagtatanong po kami, sino po ba ‘yan? Kasi ayaw i-disclose. Sabi niyo “why not?”, ngunit entitled po, the public has a right to know kasi nasa Saligang Batas po natin “The right of the people to information of matters on public concern shall be recognized.” That includes access to information on all decisions and transactions of government decision.”
“Bakit nagdesisyon ang Sec. of Interior? Sanction niyo pa, kunsintido niyo pa, na tumanggap ng pribadong pera. Hindi po ba mayroong intelligence fund ang gobyerno para magbigay ng pabuya? Nasaan? Anong nangyari sa intelligence fund?” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel, KOJC.
Si KOJC Executive Secretary Sis. Nori Cardona, naniniwala na dahil sa naging pahayag ng Pangulo ay lumabas ang totoong kulay ni Marcos Jr.
Ayon kay Sis Cardona, nahuli sa sarili niyang bibig ang Pangulo at lumalabas na ito ang mastermind o utak sa mga nangyaring paglusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Special Action Force sa mga KOJC religious compound sa Davao City at Sarangani Province nitong Hunyo 10.
Matatandaan na sa kanilang paglusob ay wala silang naipakitang search warrant, maliban diyan nanakit pa ang mga ito ng mga kababaihan, mga bata at pati ang mga miyembrong katutubo na wala namang alam kung nasaan ang butihing pastor.
“When you finally broke your silence, your true colors came out. That you are truly hellbent to get our Beloved Pastor at all cost. You gave yourself away.”
“Iniisip namin, sino bang nag-utos sa mga nangyayari dito sa KOJC? Saan ba galing tong order na to’? ‘Yung sinasabi, naniniwala ako sa sinasabi na “a fish is caught by its mouth” Nahuhuli ‘yung isda sa kanyang bibig. Meaning, sa mga sinabi mo, ‘yun na nga. You were caught offhanded. Kinain mo ‘yung bait, ‘yung pain. Nahuli ‘yung isda at nung tinaas ‘yung rod ayan, alam na namin kung sino ang nag-utos, alam namin kung saan nanggaling. So, walang tanong pa. Magtanong pa ba kami? Nandoon na lahat ng mga legal na sinabi ng ating mga legal expert.”
“So, ito ‘yung nangyari sa KOJC, so nagtatanong ka ng motibo hindi na natin pag-uusapan ‘yan dahil alam naman talaga ng buong mundo ‘yung motibo mo. Na-explain na lahat. It is blaring, it’s so clear as the noonday sun. Kaya huwag na kayong mag maang-maangan, huwag na kayong magtago.”
“Ikaw lang din ‘yung nag-expose sa sarili mo Pres. Bongbong Marcos sa lahat ng nangyayari dito, hindi lang sa KOJC. Pero ang nangyayari dito sa bansang Pilipinas. Ikaw ‘yung mastermind,” ayon kay Sis. Nori Cardona, Executive Sec. KOJC.
Saad naman ng SMNI Anchor na si Ka Eric at Jay Sonza, bilang isang elected official, hindi dapat minamasama ng Pangulo ang mga natatanggap nitong puna at kritisismo dahil ang taumbayan ang naglagay sa kaniya sa puwesto.
Sinabi rin ni Ka Eric na ang pahayag ni Marcos Jr. tungkol sa pagsunod sa batas ay napaka-unpresidential para sa isang kagaya niya na may utang pa na buwis sa pamahalaan.
“Ang gobyerno ay dapat lamang tinatanong ng mga mamamayan, kung ayaw mong tanungin ka Mr. President, umalis ka sa pagka pangulo, bumalik ka sa private life. Ang gobyerno ay may tungkulin at pananagutan sa mamamayan. Mga katanungan na valid at legitimate, mga issues na dapat niyang tugunan mula sa mamamayan. Ang gobyerno ay dapat sumagot ng maayos at hindi siya pwedeng maging pikon.”
“Sinabi niya, ni Pangulong Marcos Jr. mga kababayan, ano daw ang motibo ni Pastor Quiboloy, ng mga nagkukuwestiyon kung bakit kinukuwestiyon ang pagpatong ng P10-M at tig P1-M kay Pastor Quiboloy at sa mga leaders ng SMNI. Eh sumusunod lang daw sila sa batas, dapat sumunod din daw sa batas si Pastor na isang pugante.”
“Very unpresidential po ito. Una sa lahat, Pangulong Marcos Jr. ang hindi po ba ninyo pagbayad ng P203-B na buwis sa ari-arian ng inyong pamilya na dineklara ng Supreme Court at sinisingil sa iyo ng bayan, pagsunod ba ‘yan sa batas o hindi? Tatanungin ka ngayon ng mamamayan.”
“Paano mo itinatanggi ang isang final at executory decision ng Korte Suprema, pinakamataas na korte, if you are the president, you are highly expected to follow the law by every doctrine of the law, sapagkat mandato niyo ‘yan bilang pangulo ng bansa.”
“Hindi niyo binayaran at hindi mo binabayaran at hindi niyo kinikilala ang P203-B accrued state taxes ninyo. So, si Pastor Quiboloy ba at ang KOJC ang lumalabag sa batas o ikaw bilang pangulo ng bansa? And that is a criminal accountability on the people kasi tantamount ‘yan sa tax evasion at criminal offense ‘yan,” saad ni Ka Eric, SMNI Anchor.
“Kahapon noong nanonood kami ng telebisyon, kasama ko ‘yung ibang kasama kong magbubukid, ang reaction nila, “Na-unsa naman ang presidente? Mura namag nabuang.”
“Sabi niya, “bakit kami?” Eh kanino kami magrereklamo? Kanino kami magtatanong? Tumakbo-takbo kang presidente, naging presidente ka, tapos tatanungin mo ngayon bakit ikaw?”
“Sabi mo, pantay-pantay, dapat ayon sa batas, kaya dinadaan sa batas. Ipinaliwanag na nitong mga abogado rito, si Atty. Topacio at si Atty. Torreon, ano ‘yung mga (nagawa niyo na) paglabag sa batas.”
“Kung talagang matino kayo diyan sa panunungkulan, aba’y ipakita niyo sa taumbayan na kayo’y sumusunod sa batas. Because right now what we see is, you do not follow the very law,” wika ni Jay Sonza, SMNI Anchor.
Saad naman ni dating NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy, hindi nag-iisip ang gobyerno sa “moral implications” ng pagtanggap ng reward money mula sa mga pribadong indibidwal.
“We’re all entitled to that protection of the law and what this president is doing, he is once again like he’s done with NTC, MTRCB, and all institutions, all agencies of the government under him, he has weakened it.”
“What he is doing right now, you see he is weakening the PNP and our legal processes. So, ang ibig niyang sabihin isho-short cut natin. So, paano kung ang isa tao, mayaman siya at meron siyang gustong ipahanap, pwede mong ibigay ‘yung milyun-milyon.”
“What else are the moral implications to this, the imbalance. So, ang isang ordinaryong mamamayan katulad natin ‘pag ikaw ay pag pinag-iinitan ka ng mayaman na may milyon katulad ng mga kaibigan ni Bongbong Marcos, pwede silang magpatong ng pera sa ulo mo at ‘yun na ‘yun, kailangan mong magtago,” pahayag ni Lorraine Badoy, SMNI Anchor.