KOJC: Sinasabing ‘compassion’ ni BBM, taliwas ang ipinapakita

KOJC: Sinasabing ‘compassion’ ni BBM, taliwas ang ipinapakita

TALIWAS ang sinasabi sa ipinapakita ni Pangulong Bongbong Marcos–ito ang naging reaksiyon ng ilan sa matataas na opisyal ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa naunang sinabi nito na ipapakita nito ang compassion o pakikisimpatiya kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa pangako nitong patas na laban sa mga kasong kinakaharap nito. Kaya hamon ng KOJC sa Pangulo–gampanan ang constitutional mandate nito.

“We will exercise all the compassion to Pastor Quiboloy, we’ve known him for a very long time and ang maipapangako ko all the proceedings will be fair,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Republic of the Philippines.

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin ang reaksiyon nito sa pangamba ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang buhay dahil sa pinaplanong rendition ng Estados Unidos laban sa kaniya.

Ngunit sa pagdaan ng panahon—sa mga nangyaring dahas at paglabag sa karapatang pantao sa mga KOJC missionary workers at members, nang lusubin ng daan-daang pulis na naka full-battle gear ang mga religious compound ng KOJC sa Davao City at Sarangani, at sa paglabas ng bounty kamakailan laban kay Pastor Apollo—walang makita at maramdaman, ni katiting na compassion o simpatiya ang mga taga KOJC.

At para sa mga ito—napakalayo ng mga sinasabi ni Marcos Jr.—sa mga ipinapakita nito.

Sa isinagawang press conference ng KOJC nitong Martes sa Davao City, pinuna ni Bro. Carlo Catiil, isa sa mga resident minister ng kongregasyon ang patuloy na pananahimik ni Bongbong Marcos sa paglabag sa karapatang pantao ng mga taga-KOJC, lalong-lalo na kay Pastor Quiboloy at sa iba pang kasama nito.

“One month na po, wala po tayong narinig sa kay Marcos Jr. tahimik na tahimik po when they said they will exercise compassion”

“Ang gobyernong ito ay wala pong pag-ibig sa bayang Pilipinas. For a month na po ngayon, at this very moment, wala po tayong narinig kahit inapak-apakan na po ang ating karapatang pantao, kahit na po ginigipit na tayong mga inosente po, wala po tayong narinig,” pahayag ni Bro. Carlo Catiil, Kingdom Minister.

Bro. Catiil: Panggigipit kay Pastor ACQ, panakip-butas sa totoong isyu ng bansa

Sa katunayan ay sinabi ni Catiil na ginawa pang panakip-butas ng kasalukuyang administrasyon ang ginagawa nila sa butihing pastor at sa kongregasyon nito laban sa totoong nangyayari sa bansa na kahit na labis na ang panggigipit sa mga taong inosente ay patuloy ang pagkibit-balikat at pananahimik ng Pangulo.

“Ginagawa po nilang pantakip ang isyu ngayon kay Pastor po, kaya po ‘pag sinabi po ninyong inextend, full compassion ang kanilang ibibigay para kay Pastor, not even a single thing na naalala ko. ‘Yung time po na sinabi ni Pastor, tinanong po kayo Marcos Jr. na may kinalaman ba ang Amerika, wala po kayong sagot dun, tinawanan niyo lang, parang kino-confirm nyo po ang parang bangag niyo eh. Tinatawanan niyo lang po.”

“’Yung mga serious question and serious issues, tinatawanan niyo lang po kahit po hindi nakakatawa. Ganun pong klaseng pangulo meron po tayo,” diin pa ni Bro. Carlo.

Pagdidiin pa ng ministro, na kung may dapat na tanungin sa totoong pagkatao at ugali ni Pastor Quiboloy—ay ang mga manggagawa nito na patuloy ang paglilingkod sa Kaharian at hindi ang mga walang kredibilidad na mga dating worker na kung sino-sino lang.

Samantala, para naman kay Sis. Eleanor Cardona, ang Executive Secretary ng KOJC, na iba at malayo ang ipinapakita ni BBM sa sinasabi nito.

“This president speaks one thing and does another, so lahat ng mga sinasabi niya wala namang natutupad, kabaliktaran nga eh. So iyang compassion na sinasabi niya, baliktarin niyo, ‘yun, ‘yun. So wala, wala tayong inaasahan dito sa kanya,” ayon kay Sis. Eleanor Cardona, Executive Secretary, KOJC.

Hamon ng KOJC Legal Counsel kay PBBM, gampanan ang constitutional mandate nito

Hamon naman ni Atty. Kaye Laurente kay BBM na gampanan ang constitutional mandate nito o nito bilang isang elected official.

”So, as again, go back to your constitutional mandate to serve and protect the people. You are there, we elected you, the sovereignty emanates from the people, kami ang naglagay sa ‘yo diyan and now do your job. Ang request lang namin is if you are still listening, if you still have that compassion as you claim to have, is respect the right to due process of Pastor Quiboloy not only of Pastor, even those five co-accused as well to the Kingdom of Jesus Christ.”

“You are the head of the state, you have all this duty that is already enshrined in the constitution, just, ‘yun na lang, setting aside ‘yung extending extra love and compassion, just do what is mandated for you to do, just follow what is given to you, mandated to you by the constitution. So, ‘yun lang po, just act the talk. Thank you,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Legal Counsel, KOJC.

Sa kabila ng patuloy na panggigipit ng kasalukuyang administrasyon kay Pastor Apollo at sa buong KOJC—patuloy ang paninindigan ng mga missionary worker at member sa kung ano ang tama—at ito ay ang pagiging inosente ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga paratang laban sa kaniya at patuloy na nakaagapay ang mga ito sa butihing Pastor—kahit na kapalit ay ang mga sarili nitong kalayaan at buhay.

Follow SMNI NEWS on Twitter