LUBOS na nakatutulong sa kaniyang sarili ang Kokoro program na sinalihan ni Ellen Adarna sa Bali, Indonesia noong taong 2020.
Ito ang ibinahagi ng actress-entrepreneur.
Sa naturang programa, aniya, itinuturo ang susi para mapamahalaan nang maayos ng isang tao ang kaniyang mga emosyon araw-araw.
Kasama sa training aniya ang isolation kung saan hindi maaaring gumamit ng cellphones, at paglalakad ng 24 oras na hindi natutulog.
Sinabi niya na ito ang naging solusyon para mawala ang anxiety at depression na kaniyang nararanasan sa nakalipas na mga taon.
Sa kaniyang ibinahagi, natutunan niyang maging kalmado sa lahat ng bagay at pag-isipan nang mabuti kung anuman ang magiging reaksiyon niya sa mga iba’t ibang sitwasyon sa buhay.
Sa kasalukuyan, sobrang “happy” na aniya sa kaniyang buhay kung ikukumpara noong nasa-20s pa siya.