Komedyanteng si Vhong Navarro, sumuko sa NBI

Komedyanteng si Vhong Navarro, sumuko sa NBI

BOLUNTARYONG sumuko kanina sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor at TV host na si Vhong Navarro matapos maglabas ng arrest warrant ang Taguig Metropolitan Court kaugnay ng kasong acts of lasciviousness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Inirekomenda ng korte ang piyansa sa halagang P36,000, ayon sa determination of probable cause na pinirmahan ni Presiding Judge Angela Francesca Din ng Taguig Metropolitan Court Branch 116.

Magugunitang nito lamang nakaraang buwan ng Agosto nang inutusan ng Court of Appeals ang Office of the City Prosecutor sa Taguig na pakasuhan na ng rape at acts of lasciviousness ang aktor matapos niya diumano abusuhin si Deniece noong 2014.

Pinasinungalingan naman ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro ang mga nangyari noong January 22, 2014, kung kailan umano nangyari ang krimen.

Pero noong araw daw na iyon ay binugbog at sinubukang kikilan ng grupo nina Cedric Lee si Navarro.

Nasa NBI na rin daw ngayon ang aktor at maghahain din ng motion for reconsideration.

January 28, 2014 noong naghain naman ng reklamo si Navarro laban kina Cornejo, Lee at iba pa para sa serious illegal detention at grave coercion kaugnay ng nangyari.

Follow SMNI NEWS in Twitter