Komento sa pagtaas ng presyo ng itlog, ‘di ikinasaya ng PH Egg Board Association

Komento sa pagtaas ng presyo ng itlog, ‘di ikinasaya ng PH Egg Board Association

HINDI masyadong pasok sa panlasa ng Philippine Egg Board Association (PEBA) ang sinabi na hindi sapat ang production cost ng kanilang hanay para taasan ang presyo ng itlog.

Ayon kay PEBA chairman Gregorio San Diego sa panayam ng SMNI News, bakit nagkaroon na ng ganitong uri ng resulta ng pag-aaral na hindi pa nga sila nakausap.

Nauna nang sinabi ni San Diego na isa sa naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog sa kasalukuyan ay dahil sa bird flu na laganap din sa buong mundo.

Ang hangad ngayon ng PEBA ay sana’y makapagdesisyon na rin ang Department of Agriculture na turukan na ng bakuna ang mga manok at iba pang mga alagang hayop na apektado ng bird flu.

Follow SMNI NEWS in Twitter