Komite sa Kamara, kinuwestiyon ang hindi pa pag-uwi sa bansa ni Cong. Arnie Teves

Komite sa Kamara, kinuwestiyon ang hindi pa pag-uwi sa bansa ni Cong. Arnie Teves

KINUWESTIYON ng House Committee on Ethics and Privileges ang hanggang sa ngayon ay pagliban ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves sa mga sesyon sa Kamara.

Sa isang panayam, sinabi ni Ethics and Privileges panel chairman Filemon Espares na bakit hanggang ngayon ay wala pa sa bansa si Teves.

Gayong paso na ang travel authority na iginawad sa kaniya ng Kamara na mag-abroad mula February 28-March 9, 2023.

“Kung wala talagang dahilan na… bakit hindi siya makauwi? Bakit hanggang ngayon wala pa,” ani Espares.

Nagpulong naman ang komite ngayong umaga para paimbestigahan ang ‘absense without leave’ ni Teves sa Kongreso.

Nauna nang nanawagan si House Speaker Martin Romualdez kay Teves na bumalik na ng bansa at harapin ang pagdawit sa kaniya sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Follow SMNI NEWS in Twitter