NAG-aalok ngayon ang Singapore Airlines ng kompensasyon sa mga pasahero nitong apektado sa isang flight na nakaranas ng turbulence noong nakaraang buwan.
Nasa S$10-K ang inaalok nito sa mga pasaherong may minor injuries.
Sa mga may seryosong injuries, hinikayat ang mga ito ng Singapore Airlines na makipagkita sa kanila para talakayin ang ibibigay na kompensasyon.
Bago ang pamamahagi ng magiging kompensasyon ay nabigyan na ang lahat ng pasahero ng tig S$1-K para magamit nito sa mga agarang pangangailangan.
Nasa 211 pasahero at 18 crew ang sakay ng flight SQ 321 noong Mayo 21, 2024 nang mangyari ang severe air turbulence habang bumibiyahe ito papuntang Singapore mula London Heathrow Airport.
Mula sa naturang flight ay isa ang nasawi dahil sa heart attack at nasa 30 ang sugatan kasama na ang limang Pilipino.