HANGARIN ng ‘Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay komportableng pamumuhay para sa mga Pilipino.
Inihayag ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa SMNI News, ito ay isang malaking hamon sapagkat ito ang pinakamalawak na proyekto ng bansa upang mabigyan ng komportableng pamumuhay para sa mga Pilipino.
“Well of course in the beginning there is always some ah, may konting kaba, there some fears early on, but of course these fears was overwhelmed by our desire to succeed and the importance of the job that we are doing,” ani Villar.
Bagama’t hindi inhinyero si Sec. Villar, sinabi niya na ang karanasan niya bilang mambabatas at sa pag-manage niya sa isang private sector ay nakatulong sa kanya upang magawa ang kanyang trabaho bilang kalihim ng DPWH.
“Ako naman I was aware of my strengths and weaknesses and obviously not being an engineer, there a lot of engineers in the departments, so what I wanted to maximize was really my experience in management, everything that I’ve learned from being in the private and public sector,” pahayag ni Villar.
Dagdag pa ni Villar, hindi pa siya lubhang kilala noong hinirang siya bilang kalihim ng DPWH kaya ginawa niya ang kanyang trabaho nang maayos para ito ang husgahan ng mga tao.