Komprehensibong planong pabahay para sa mga mahihirap, inilatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Komprehensibong planong pabahay para sa mga mahihirap, inilatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SA layuning tugunan ang lumalalang krisis sa pabahay sa bansa, isang komprehensibong plano ang inilatag ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ang tinatawag na “Housing for All Act”— isang panukala na nais masiguro ang abot-kayang tirahan para sa mga pamilyang mababa ang kita at mga komunidad sa urban poor.

“Ang ginawa ko, Housing for All Act. Meron tayong existing law nito, ‘yung Republic Act 7279 o tinatawag na Urban Development and Housing Act,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Candidate.

Ngunit ano nga ba ito?

Paliwanag ng Butihing Pastor, layon ng panukalang ito na mas palawakin at pagandahin ang programa para sa socialized housing, partikular sa mga urban area na kulang sa pabahay at sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad.

Kabilang sa panukala ang pag-amyenda sa mga umiiral na batas, pagtaas ng pondo para sa mga proyektong pabahay, at pagpapabilis ng proseso ng pagkuha ng lupa.

“Ang proposed amendments ko dito, number 1, dagdagan ang alokasyon ng pondo para sa mga proyektong pabahay na abot-kaya.”

“Pangalawa, padaliin ang proseso sa pagkuha ng lupa at pag-apruba upang mapabilis ang mga proyektong bahay,” paliwanag ni Pastor Quiboloy.

Nais din ng Butihing Pastor na sa pamamagitan ng kaniyang panukala, mas mapapadali ang pagbigay ng mga pangunahing serbisyo.

“Tulad ng tubig, kuryente, pati na rin ang mga oportunidad para sa trabaho. Bigyan sila ng kaukulang livelihood,” paliwanag ng Butihing Pastor.

Hindi lang simpleng pabahay ang nais ng Butihing Pastor. Ayon sa kaniya, layunin ng Housing for All Act na makapagpatayo ng mura ngunit dekalidad, komportable, ligtas, at angkop na tahanan para sa bawat pamilyang Pilipinong nangangailangan.

Pero paano ito maipatutupad?

Ayon kay Pastor Apollo, posible ito sa pamamagitan ng paghikayat sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPPs) at pagpapatupad ng land-use policies.

“So hikayatin ang mga pribadong sektor na mag-invest sa housing projects. And then, meron tayong land-used policies, magpatupad ng mga polisiya na magpapadali sa pagkuha ng lupa para sa pagtatayo ng pabahay and then may monitoring progress din tayo. Regular na suriin ang kalidad at accessibility ng mga housing project,” aniya pa.

Sa pamamagitan ng “Housing for All Act,” naniniwala si Pastor Apollo, na mas mapapabilis at mapapaganda ang solusyon sa krisis sa pabahay.

At kung maisabatas, ang panukalang ito ay magiging isang malaking hakbang tungo sa mas maunlad at mas matatag na Pilipinas.

“Ito ang nakita natin na isang malaking problema na pwedeng bigyan ng solusyon, at ito ‘yung aking mga panukalang gagawin kung ako ay mailuklok bilang isang senador,” giit nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble