GUMAWA ang Korea Minting and Security Printing Corporation (KOMSCO) ng Seventeen-themed commemorative medals bilang pagdiriwang ng 10th anniversary ng nabanggit na K-pop boy group.
Sa naturang medals, featured ang logo ng Seventeen at ang 15 pangalan ng members nito.
Nasa isang libo na one-ounce gold medals, tatlong libo na two-ounce gold medals, at 13K na silver medals ang magiging available para ibenta.
Maaari itong mabili sa iba’t ibang domestic at international shopping platforms.
At, ngayong Sabado at Linggo, Enero 18 hanggang 19, gaganapin naman ng grupo ang kanilang ‘Right Here’ World Tour sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.
Huling bumisita ang grupo sa bansa noong Enero din ng nakaraang taon para sa kanilang two-day ‘Follow’ Tour sa kaparehong venue.
Habang excited for their concert ay may pop-up store naman ang grupo sa SM Mall of Asia.
Bukas ito simula noong Enero 15 at magtatagal ito hanggang Pebrero 26.
Available dito ang iba’t ibang merch ng Seventeen.