Komunistang terorista at mga kriminal, takot sa pamumunong tulad ng kay VP Inday Sara – Pastor Apollo C. Quiboloy

Komunistang terorista at mga kriminal, takot sa pamumunong tulad ng kay VP Inday Sara – Pastor Apollo C. Quiboloy

MAGKAKAROON ng takot ang komunistang teroristang CPP-NPA-NDF sa istilo ng pamumuno ni Vice President Inday Sara Duterte ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Ito nga eh, pagka merong pamunong ganyan, lumalakas ang loob natin pagkatapos natatakot ang mga kriminal at terorista sapagkat merong isang namumuno na talagang no nonsense ang kanyang pagtayo, alam nila saan siya tumatayo. Kaya itong mga komunistang teroristang ito, pati tong mga kriminal na to, eh magkakaroon ng takot,” pahayag ni Pastor Apollo.

Lumalakas ang loob at nabubuhayan ang mamamayan sa matapang na istilo ng pamumuno ni VP Duterte.

Ayon kay Pastor Apollo, dahil dito ay magkakaroon ng takot ang komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.

Dagdag ni Pastor Apollo, kung walang lider na matapang na magsasalita ay mamimihasa ang mga aniya’y ahas na CPP-NPA-NDF.

Ani Pastor Apollo, hindi naman ang nasa mataas na posisyon ang napipinsala ng mga ahas na ito, kundi ang mga mamamayan.

“When they are instilled with fear of God because there are leaders like our Vice President and her statements, it is protecting our people from these snakes. Kasi kung walang matapang nagsasalita ng ganyan itong mga ahas na ito mamimihasa. Sinong napipinsala? Ang taong-bayan, tayo ang napipinsala hindi naman sila, naka bullet-proof sila. Hindi naman ‘yung nasa mataas na posisyon, naka bullet-proof kayo. Kami ang napipinsala, kami ang pinupuntahan dito, ang mga mamamayan, ang mga mamamayan na nandiriyan na walang tagapagtanggol sa kanila,” ayon pa ng butihing Pastor.

Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na makakapal ang mukha ng mga komunistang teroristang nasa Kongreso.

Ani ng butihing Pastor, niloloko lang ng mga ito ang taumbayan upang iboto sila ngunit hindi naman sila para sa bansa, kundi para lamang kay Joma Sison.

“Itong mga teroristang grupong ito, communist terrorist, ang kakapal ng mga mukha nito. Pumupunta pa sa Kongreso nagsasalita pa, alam mo na, alam na hindi sila para sa Pilipinas. Niloko lang nila ang taumbayan para iboto sila pagkatapos hindi naman sila para sa bayan, para kay Joma Sison sila, para sa komunista sila. Pero ‘yan, hayag na hayag na eh,” ayon pa ni Pastor Apollo.

Follow SMNI News on Twitter