Konsehal ng Davao City, ipinanukala ang pagsusuot ng kasuotang katutubo tuwing unang Lunes ng buwan

Konsehal ng Davao City, ipinanukala ang pagsusuot ng kasuotang katutubo tuwing unang Lunes ng buwan

BILANG pagkilala sa kanilang kultura, ipinanukala ng isang konsehal sa Davao City ang pagsusuot ng kasuotang katutubo tuwing unang Lunes ng buwan ng mga kawani ng city hall.

Ayon kay Konsehal Al Ryan Alejandre, layunin ng kanyang panukala na maipakita ang mayamang tradisyon ng mga katutubo at ipagmalaki ang lokal na kultura.

Magugunitang umani ng papuri ang kasuotang Bagobo Tagabawa na isinuot ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa unang SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa konsehal, isinuot ni VP Sara ang tradisyunal na kasuotan ng Bagobo Tagabawa upang ipakita ang kanyang pagpapahalaga sa mga IP.

Dagdag pa ni Alejandre, mahalaga ang pagsusuot ng mga Dabawenyo ng tradisyunal na 11 IP tribes na itinuturing na orihinal na naninirahan sa Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter